Martes, Hulyo 30, 2013

Kalikasan, kapaligiran, sama-sama nating linisin at sagipin. - Antoine Fabian

Unang-una, bilang mga tao, tayo ay nilikhang Panginoon para pag-ingatan lahat ng kanyang nilikha. Ayon sa Bibliya, ang tao ang pinakahuling ginawa ng Panginoon. Sa aking palagay, kaya tayo ihinuli ng Panginoon ay para Makita na natin ang lahat ng produkto na kanyang nagawa at para pag-ingatan at pagyamanin na lamang natin ang mga ito. Ikalawa, pagbaha, pagguho ng lupa, kanino dapat isisi? Sa mga mamamayan ba o sa mga opisyal ng ating gobyerno? Siguro, gobyerno ang sisisihin ng nakararami. Ngunit, hindi ba nila naisip na hindi magkakaroon ng pagbaha kung hindi dahil sa kagagawan nating mga mamayan? Wala naman kasing lilinisin ang ating gobyerno kung mayroon lamang sana tayong disiplina sa ating mga sarili. Masama pa nito, matapos nating magkalat, iaasa pa natin sa gobyerno ang paglilinis ng mga ito. At kapag hindi nalinis, isisisi na naman natin sa gobyerno. At kapag nagkaroon ng kalamidad tulad ng pagbaha ay aasa na namana tayo sa mga tulong na ibibigay n gating gobyerno. At sa aking palagay, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa dahil mas marami ang magaling umasa kaysa magaling magsikap sa buhay para magtrabaho. Marami ang umaasa sa gobyerno at kapag hindi pa nasunod ang gusto, magkakaroon pa ng mga pag-aalsa o “rally”. Isa lamang itong simbolismo natin. Mahirap at masakit man isipin, pero tanggapin na lamang natin na sirsang-sira na an gating kalikasan. Marahil ay marami na ang nakalimot sa ating misyon sa mundo, kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ito, kung ano ba ang dapat nating gampanan sa ating lipunan. Marahil ay marami rin ang walang pakialam sa kanyang paligid. Ngunit, dadagdag pa ba tayong kabataan sa problemang ito? Tayo ba ay magiging parte ng problema o tutulong para malutas ang problema at maging parte ng solusyon? Ikatlo, nabanggit ko rin ang tungkol sa pagguho ng mga lupa. Sa aking palagay ito ay kasalanan ng mga “illegal loggers”. Siguro ay may ilang mga tauhan ng gobyerno ang responsable para sa mga illegal loggers dahil hindi rin nila pinaghihigpit ang pagpapatupad ng batas na tumututol sa iligal na pagpuputol ng puno. Sabihin na natin na pagdating ito ay parehas na may kasalanan ang ating gobyerno at ang ga mamamayan pero mas malaki pa rin ang kasalanan ng mga mamayan na iligal na nagpuputol ng puno. Ikaapat, polusyon sa tubig at hangin. Unahin na nating ang polusyon sa tubig. Ano ba ang nagiging dahiln ng pagkasira ng ating mga yamang tubig? Dynamite fishing? Illegal oil mining companies? Hindi ba’t purong mga mamamayan ang mga may kasalanan nito? Ilang lamang ito sa mga nagiging sanhi ng pagkasira ng ating mga coral reefs. Na nagiging sanhi ng pagkamatay ng isda dahil nawawalan na sila ng titirahan. Sa polusyon naman sa hangin, isa sa mga nagdudulot ay ang mga usok galing sa mga sasakyan, mga factories/makinarya, mga gas na tumatagas mula sa mga bagay-bagay na mayroong nakakapinsalang kemikal. Sino ba ang nasa likod ng mga ito? Hindi ba’t tayong mga mamamayan? Kaya bakit natin isisisi ang lahat ng ating pagkakamali sa ating gobyerno?Time to make some sense guise. Sino nga ba talaga ang dapat sisihin sa pagkasira n gating kalikasan? Ang mga opisyal ba ng gobyerno, o tayong mga mamayan nito? Sino ba ang nasa likod ng lahat ng mga polusyon na sumisira sa ating kalikasan? Imbis siguro na sisihin natin ang gobyerno natin, mas mainam siguro kung tutulong tayo sa ating gobyerno para mapag-ingatan at ma”preserve” ang ating kalikasan. Umpisahan na natin sa ating sarili. Kalikasan, Kapaligiran, Sama-sama nating linisin at sagipin.

Ayon Sa Genesis 1: 27 - 29 - Michelle Gravina

Ayon sa Genesis 1:27-29, ang tao ay ginawa para pangalagaan ang kalikasan. Batay sa aking nakalap na ang Kalikasan ay ang lahat ng bagay na natural at katutubong mula sa at nasa sansinusukob. Hindi ito artipisyal o gawa ng tao. Tumutukoy ito sa mga kababalaghang nagaganap sa pisikal na mundo, at maging sa buhay din. Ang mga bagay na gawa ng tao at ang pakikihalubilo ng tao ay hindi itinuturing na bahagi ng kalikasan maliban na lamang kung itutukoy ito bilang kalikasan ng tao. Ano nga ba ang kalikasan? Para sa akin, sa simpleng salita, ito ay ang pinagkukunang yaman para matugunan an gating mga pangangailangan sa pang araw-araw nating pamumuhay. Ngunit lingid sa ating kaalaman na ang kalikasan ay limitado lamang at ngayon ay nanganganib na maaring hindi na maabutan pa ng susunod pang henerasyon kung patuloy pa natin itong aabusuhin. Hindi purkit bata o estudyante ka ay wala ka nang magagawa. Maraming simpleng paraan para makatulong sa ating kalikasan. Sa paraang pagtatapon ng kalat sa tamang tapunan. Malaki na rin ang maitutulong nito, katulad ng maaring makaiwas tayo sa pagbaha. Simple man sa ating paningin, ngunit bakit hindi natin ito makayang gawin? Ka’y responsable nga naman. Ngunit huwag kang mag-alala, hindi pa huli ang lahat! IKAW AY TAO! AKO AY TAO! TAYO AY MGA TAO! Mga taong binigyan ng tungkulin ng Diyos para pangalagaan an gating kalikasan. Gumising ka! Pagka’t an gating kalikasa’y sira na! Dahil tayo ay mga pabaya! Kaya tara’t tayo ay magtulong-tulong para ito ay atin pang maisalba! Huwag kang umasta na parang hayop. Hindi ba’t tao ka? Pareho lang tayo, parehong naghahangad na sana’y wala ng daang binabaha, walang kalat na nakikita at walang maitim na usok na malalanghap. Sa tingin mo ano nga ba ang tama? Para ito’y matigilan mangyari. Pakinggan ako at ating isa-isahin ang mga problemang kailangan nating lutasin. Una, bilang estudyante ayaw na ayaw kong dumadaan sa mga bahang daanan. Sino nga ba ang gugustuhin ito? Ngunit, ano nga ba ang puno’t dulo nito? Ang salitang “No Littering” sa iyong sinasakyan o pinupuntahan ay iyo bang babaliwalain dahil lang sa simpleng katamaran ng pagtapon sa tamang basurahan. Nagpatupad an gating gobyerno ng Proper Segregation para maisaayos ang mga basura at para tayo ay makaiwas sa sakit. Isa pa ditto ay ang “Illegal Logging” na nakakasira ng milyun-milyong kaagubatan na tuluyang nakakalbo at nagiging sanhi ng pagkawala ng tirahan ng mga hayop at ang pinakamasaklap ay ang pagdudulot nito ng mating kalamidad o pagbaha na halos milyun-milyong tao ang napapatay dahil lang sa kawalan ng disiplina ng mga tao. Bilang kabataan, ikaw at ako ay maaring makagawa ng solusyon. Simple lang ang pagsunod sa mga batas at patakaran . Ang pagsasagawa ng 3R, ang Reduce, Reuse at Recycle. Ang pagiwas sa paggamit ng plastic na maaring makasira sa kalikasan. Sa ngayon, ay lumalaganap na ito kaya’t ating pa itong pagtibayain. At ang pagsunog ng plastic na maaring makaapekto sa ating kalusugan. Dapat ay matuto din tayong magtipid. Maari din tayong magtanim ng iba’t-ibang halaaman na maaring pagkuhanan n gating makakain. Ang mga problema n gating kalikasan ay maaring masolusyonan at mapapatupad kung tayo ay magtutulungan at magkakaroon ng tamang disiplina sa sarili.

Technology Vs. Nature - Sherry Bongato

People continuously improve their knowledge, skills, and develop technologies to improve their lives. Undeniably these activities make their lives even better. Nevertheless, those activities also cause side-effects to the Earth like pollution, deforestatio, global warming and destruction of our natural resources that eventually lead to the shortage of our needs or supply in our daily lives. Unfortunately, people nowadays can’t live without the use of technology. Everyone needs it to help us and make our life easy. The sad truth is some continue those activities that harm our nature not knowingly knew the effects of these in our environment. POLLUTION, The most concerned problem in the world… Because of the wrong doings we are engage with. Increase of factories, equipment that causes damage to the atmosphere and so much more. Our Mother Earth that needs care continuously getting sick of all these bad things that affect it.Unhealthy surrounding causes serious problems that can harm us and make us suffer by what caused by the humans.Maybe the advancement of our technology has positive effects but there also corresponds negative effects that lessen the quality of life we are aiming to improve.Technology is so powerful that can help improve to things for a better life but can also destroy what we have. I know we are aware of what is happening in our dear planet Earth, but do we do actions to save it in order not only to improve our lives but also keep it and care for it to be able the next generations to make use of it and benefit from our environment.We should preserve it and take good care of because we are the ones who will eventually benefit from it. We should respect the valuable resources and do not damage it. Without sustainable development our future wouldn’t be good. Every young man and old man can be an instrument to improve the situation of our community to develop a much better world.I know this issue about our environment is very much particular in each of us, but this problem is still a nightmare to the people around the world on how to solve these. People have learned to turn or change our surroundings, I hope they would also know how to protect and take good care of it.

Linggo, Hulyo 28, 2013

Tayo Ang PAG-ASA NG BAYAN. - Dioselle Cabodoc

Tayo na!
May PAG-ASA pa!

         Di niyo ba alam kung bakit bumabaha? O alam naman natin pero wala tayong ginagawa? Sino ba ang nakikinabang sa mga yamang likas na ito? Mga tanong na kaya nating sagutan ngunit kaya ba nating panindigan? Tayong mga tao ay magaling magsalita pero kulang sa gawa. Magagawa ba ang isang mahirap na bagay kung iilan lamang ang tutulong sa kanila? Isa ka ba sa solusyon o isa ka ring problema?

          Madalas tayong binabaha pag ang bagyo ay dumating na pero hindi sana ito mangyayari kung hindi dahil sa sandamakmak na kalat na nahahakot ng ulan at nagiging sanhi ng paghihirap ng ating mga kababayan. Sa ating paaralan lunes hanggang biyernes binibigkas at nanunumpa tayo ng panatang makabayan ("dahil mahal ko ang pilipinas...") na mahal natin ang pilipinas ngunit natutupad nga ba? Minamahal nga ba natin ang bayan natin? Araw-araw tayong tinuturuan sa ating paaralan panahon na para ating simulan, hindi bukas, hindi mamaya, hindi sa isang araw. kundi ngayon na. Hindi pa huli ang lahat, sabi nga nila ANG KABATAAN AY ANG PAG ASA NG BAYAN. Alam nating magagawa ang isang bagay basta't sama sama tayo. Sa dinamirami ng kabataan ngayon imposibleng hindi natin magawa ang maisaayos ang ating kapaligiran. May mga nagsimula nang tumulong sa ating kalikasan ngunit kailangan pa nila ng mga myembro at tayo ang hinihintay nila. Kailangan natin ng disiplina para magtagumpay tayo sa ating layunin. Hindi naman kailangan maging mabigat ang pagtulong natin sa ating kalikasan. Bilang estudyante marami na tayong magagawa katulad ng pagrerecycle, pgsali sa mga organisasyon na makakatulong sa ating kalikasan at marami pang iba. Mulat na tayo sa mga nangyayari sa ating kapaligiran, hindi na tayo bata at kailangan na nating magsimulang maging responsable sa nangyayari sa ating kapaligiran dahil IKAW, AKO , SILA, TAYONG lahat ang maaapektuahan nito. kung hindi tayo magsisimula ngayon kailan pa? nasasaiyo na kung babaliwalain mo ito o mamumulat ka at gagawa ng paraan para tumulong sa inang kalikasan.

IKAW! Oo Ikaw! - Hubert Lauzon



Knock Knock!
Who’s There?
Kalikasan!
Kalikasan Who?

Mga kababayan ko
Dapat na malaman niyo
Sira na ang kalikasan niyo
Ang gumawa ay pilipino!

          Hoy ikaw, oo ikaw, ikaw na nagbabasa nito! Alam mo bang malapit ng mawala ang likas na yaman natin dahil sa kagagawan mo?! Lahat tayo ay may kasalanan sa pagkasira ng kalikasan natin at ang bawat isa sa atin ay dapat gumawa ng aksyon upang mabawasan o mas maganda ay matigil na ang pang-aabuso at pagkaubos ni inang kalikasan. Alam naman nating lahat na may pang araw – araw tayong pangangailangan, pero kung sobra na ang mga kailangan at gusto mo, NAKO! Pano naman ang kalikasan natin? Edi sira na siya ngayon? Hindi lang yung ordinaryong sira ah, sirang sira talaga siya. Kung ganito ang gagawin at uugaliin ng bawat tayo, sayang lang ang biyaya sa atin ng diyos at ng kalikasan at kung patuloy nating gagawin ito ay kakailanganin natin ng 5 mundo para lamang matugunan ang mga gusto at pangangailangan natin. Marami naman tayong maaaring gawin upang mapanatili at mapayabong pa ang likas na yaman natin. Isa na rito ang simple ngunit epektibong pamamaraan, ito ay ang pagtatanim ng puno at halaman, dahil alam naman natin na ang puno ang pinakaimportanteng parte ng kalikasan. Ang ilan pa sa mga pwede nating gawin ay iwasan na ang paggamit ng sasakyang nagbubuga ng usok o kahit anong aktibidad na may kinalaman sa usok dahil sinisira nito ang ating ozone layer na nagdudulot ng global warming kung kaya’t sobrang INIT ngayon!. Itong paraan na ito na siguro ang pinakamainam na gawin upang hindi tuluyang masira ang kalikasan,  ito ay ang pagRerecycle. Dahil sa pagrerecycle, maiiwasan natin ang pag-aaksaya ng mga likas na yaman at maiiwasan din ang pagtatapon sa maling lugar na maaring magdulot ng polusyon na nagdudulot ng baha, pagbabara sa mga estero at kanal, atbp. Dapat na ring itigil at ipagbawal ang illegal logging, dynamite fishing, muro – ami, atbp. Dahil ito ang mas higit na sumisira sa ating kalikasan. Kung sisimulan mo tong mga ganitong gawain ay sinusiguro ko sa iyo na tatagal pa ang mundo natin at magagamit pa ng magiging mga anak mo! Tandaan mo, ikaw, ako ang mismong simula ng pagbabago! At kung lahat tayo ay magtutulong tulong at gagawin ito, hindi na maabuso at masisira ang inang kalikasan. Nako! Patapos na ako, sabihan mo na lang lahat ng mga kakilala mo na maging makakalikasan at ibigay mo ang mga payong ito para lahat tayo, happy! Ikalat mo ito ha :D

Sabado, Hulyo 27, 2013

INANG KALIKASAN - Patricia Mercurio


          Tatanungin ko kayo may nagawa naba kayong maganda para sa ating inang kalikasan?. Karamihan sa inyo tiyak walang masasabi. Kaya Minsan tignan niyo ang inyong paligid. Napakadumi,mapolusyon lahat na lang ng negatibo masasabi na, pero sa tingin ko wala tayong karapatang magsabi ng negatibo dahil tayo din ang may kagagawan ng mga masasamang nakikita sa paligid.
           May kasabihan nga, “If you're not the problem then you are solution”. Isinulat ko itong artikulo na ito para mamulat tayong lahat na huwag tayong dumagdag sa problema sa kalikasan, kundi sana tayong mga estudyante ng San Jose ay maging solusyon sa problema na ito, hindi lang sa loob ng eskwelahan kundi sa lahat ng oras maging bahagi tayo ng pagaalaga sa kalikasan.
Maraming mga aktibidades ang paaralan ng SAN JOSE para sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng kalikasan sa bawat estudyante ng SAN JOSE. Tinutulungan nila tayo upang mamulat sa totoong ibig sabihin ng ENVIRONMENTAL FRIENDLY, kaya sana huwag tayo at ikaw na nagbabasa nito na sasama lang sa mga aktibidad para sa ikakaganda ng mga grado kundi maging bukal sa puso ang paggawa at pagtulong. Kahit tayo’y mga estudyante pa lamang ay marami ng magagawa, katulad ng huwag magtapon ng basura kung saan saan, pagrerecycle at marami pang iba.
           Tandaan nating Lahat, tatlo ang maapektuhan kapag hindi tayo agad tumulong. UNA ang nagmamakaawa nating inang kalikasan. PANGALAWA tayong mga taong may dahilan sa mga nangyayari at darating din ang panahon na sisisilingin tayo, kaya habang maaga pa ay MAGSIMULA NA. Pangatlo, ang susunod henerasyon.
Isipin na lang natin na ang Inang Kalikasan ay pangalawang ina natin, katulad kasi ng mga nanay natin napapagod din sila sa mga nagagawa nila sa atin, kailangan nila ng PAGAARUGA AT PAGMAMAHAL. Kaya hangga’t maaga pa at kaya pang maalagaan ngmaayos ang ating Inang Kalikasan ay gawin na