Martes, Agosto 6, 2013

Maling Pangangalaga - Analyn P. Muñez

Nakasaksi ka na ba ng pagwasak ng kalikasan? Kahit na sa mismo ninyong lokalidad? Marahil ay alam mo na't pamilyar ka na sa mga pangyayari sa ating kapaligiran- sa ating kalikasan.Nais ko sanang ibahagi ang aking karanasan noong ako'y nasa ika-apat na taon sa sekondarya, nang kami'y dumalo sa 3-araw na summit na ginanap sa Malagos, Davao City.Pasado alas-sais na ng umaga noon. Inihanda na namin ang aming mga dadalhin. Pagkain, flashlight, damit, tent, pansariling kagamitan, at siyempre- kamera. Habang kami'y naglalakbay kasama ang aming adviser at iba pang classmates, hindi namin mapigilang mamangha sa kagandahan ng likas na obra na animo'y inukit ng malikhaing kamay. Kamangha-mangha din ang mga gahiganteng puno ng narra, bagrass, lawaan, at iba pa. Kasama ang mga iba't-ibang uri ng mga bulaklak na kasisibol pa lamang at ang mga talulot nitong nadadampian ng hamog sa umaga. Talaga namang makapigil-hininga ang pagsikat ng araw dala ang pag-asang harapin ang bawat bukas sa bawat pag-inog ng mundo.Subalit may hangganan din pala ang aming paghanga.....Pangalawang araw, nang dinalaw namin ang iba't-ibang plantasyon ng saging at pinya sa Gumalang, Wines, Baguio district, at iba pang pook, na pinagmamay-arian naman ng mga maimpluwensiyang indibidwal sa Pilipinas. Nakapanlulumong isipin na sa bawat patak ng kemikal na ginagamit sa mga plantasyon ay unti-unti ring nababawasan ang ating tsansang mabuhay. Sapagkat ang dumi ng mga ito'y umaagos lahat patungo sa ating mga 'watersheds', kung saan naman tayo kumukuha ng ating iniinom na tubig. Malubha na ang kalagayan ng ating 'watershed'. Napalitan na ng burak ang dating napakalinaw na tubig. Kawawa naman ang susunod pang mga henerasyon. Ayon sa pagsusuri ng Watershed Management and Coordinating Council, Darating din ang panahon na titigil na sa pagpro-prodyus ng malinis na tubig si Inang-likas. At unti-unti na ring nakakalbo ang ating mga kagubatan na siyang pinamamahayan ng mga maiilap na hayop. Dinagdagan pa ng kasakiman at pagsasamantala ng ating mga kababayan. Iilan lamang ang mga ito na maaaring magdulot ng matinding kawalan sa sangkatauhan. Marahil darating din ang panahon ng himutok ng pagganti ni Inang -likas. At ang sandaling yaon ay dumating na nga! Bagyo, baha, lindol, landslides, at marami pang kahindik-hindik na mga kalamidad.Sa huling araw ng aming summit, bakas sa aming mga mukha ang panghihinayang at hinanakit sa aming nasaksihan sa mga nagdaang araw. Papalubog na ang araw nang tahakin namin ang aming daan pauwi. Naitanong ko tuloy sa aking sarili, "Nasaan na kaya ang ating pag-asang inaasam-asam?" May pag-asa pa kaya? May bukas pa ba?Sana nga.........................

Karanasan Hinggil Sa Kalikasan - Claribel Bello

Hindi Pa Huli Ang Lahat - Mary Grace Gepitolan

Noon naisip ko, Ano ba talaga ng kalikasan? Bakit sinasabi ng ibang tao na, Kalikasan lang 'yan. Ginagamit lang. Hindi man lang nila naisip ang tunay na halaga nito sa atin. Oo, tama sila, kalikasanlang yan, ginagamit lang. Pero, hindinaman talaga tamang abusuhin ito. Napakaimportante nito sa atin. Paano na lang kung masira ito nang lubusan? Paano na lang tayo?Hindi ba nila naiisip ang mga sakunang gaya ng baha, landslide, pulosyon at iba pang mga pangyayari na dulot ng pang-aabuso nating mga tao sa kalikasan. Kaya kung ako sa inyo, huwag nating hintayin pang mangyari ito sa atin. Simulan na natin itong protektahan at pahalagahan. Habang may panahon pa tayo. Simulan na natin itong bigyang pansin. Hindi mamaya na, hindi bukas pa, kundi Ngayon na!!! habang hindi pa huli ang lahat.......

KALIKASAN: Sabay Nating Ayusin! - Jumar R. Osada

KALIKASAN??Ano ba ito para sa inyo??Ito ba ay isang bagay LAMANG na dapat paglaruan,sirain at abusuhin??o isang biyaya ng maykapal na dapat nating ingatan at pangalagaan?? Kamusta na pala ang atingkalisan sa atingpanahon ngayon??Ito ba'y maayos pa at maganda gaya ng dati noong ito ay ginawa ng ating maykapal??Sa ating panahon ngayon,mahirap sagutin ang mga sagot na iyan dahil alam na alam natin na ang ating kalikasan ay sirang-sira na dahil sa mga maling gawain ng mga tao. San ba tayo kumukuha ng ating mga pagkain??di ba sa ating mahal na kalikasan? Paano na kung bigla nalang itong kunin?may magagawa ba tayo? Dapat na tayong magbago,huwag nating hayaan at hintayin na itoy labis na masira hanggang sa ito'y mawala. May panahon pa tayo. Huwag nating sayang iyon. Sabay natin itong ayusin at simulan sa atingmga sarili.

Dahil Sa Kapabayaan - Roger Tan

Alam natin na ang pilipanas ay isa sa may pinakamasaganang likas na yaman sa asia.Kahit pa man noong unang panahon ang ating bansa ay pinag-aagawan na ng mga mananakop na banyaga itoy nga'y dahil na rin sa likas na yaman ng ating bansa,na siya nating ipinagmamalaki kahit kanino man.Ngunit pagmasdan natin ngayon, ang pinagmamalaki nating mga kayamanan ay unti- unting nauubos at nasisira,ang dating asul na dagat at malilinaw na batis ngayon ay naging marumi at malimit na mapagkukunan ng pagkain.Ang dating magubat na mga bundok ngayon ay halos nakakalbo naatpati ang mga hayop na naninirahan dito ay unti- unti nang nauubos at at nabibilang na lamang ituy dalil narin sa ating kapabayaan at walang pakondangang pag-aabuso ng ilan sa ating mga kababayan.imulat natin ang ating mga mata wag nating hayaan tuluyang maubos ang natitirang nating likas nating yaman, kaylangan nting pangalagaan at pagyamanin para sa kapakanan natin at sa susunod pang henerasyon.

Kalikasan Ay Isang Kayamanan - Rolland Joy Villaflor

Ano nga ba ang kahalagahan ng kalikasan? Dapat nga ba itong pangalagaan?Alam natin na ang kalikasan ay biyayang bigay ng Diyos sa atin at kinakailangan natin itong pangalagaan upang ang kasaganaan ay makamtan. Ngunit ano ang nangyayari sa ating kalikasan? Hindi ba't unti-unti itong nasisira at nawalan ng pagpapahalaga. Kinakailangan nating gumawa ng aksiyon ukol sa kalikasan dahil mahalaga ito sa atin. Dito tayo nabubuhay sa madaling salita. Nasaan na ang pagkanatural ng kalikasan kung unti-untiitong nawawala?Kaya ang masasabiko lang ay huwag natin itong abusuhin. kinakailangang nandiyan ang iyong pagmamahal gaya ng iyong sarili. Para maibalik ang dating ganda na ngayo'y wala na, huwag natinghintayin ang panahon na wala na tayong magagawa.

KALIKASAN - Merliezl Regis

Ang kalikasan ang siyang sentro ng ganda at tanawin sa ating kapaligiran. Ito ay gawa ng Dios na ibinibigay sa tao upang mapakinabangan, alagaan, at papahalagahan. Ngunit sa estado ng ating kalikasan ngayon, medyo napinsala na ang ilan sa mga ito. Isa rito ang pagkalbo ng ating kabundukan , pagkakaroon ng polusyon sa tubig at hangin , maging ang mga isda sa dagat ay medyo lumiliit ang bilang dahil sa paggamit ng mga ilegal na bagay sa paghuli ng isda. Maraming naidudulot na masama ang pagwasak ng atin kalikasan. Kasalukuyang nangyayari ay ang pagguho ng mga kabundukan pagkakaroon ng landslide, baha, at paddudulot ng ibat-ibang sakit sa mga tao dahil sa polusyon. Gayunpaman, hindi naman lahat ng lugar dito sa ating bansa o sa ating mundo ay wasak na ang kalikasan, meron din namang ibang parte ng mundo na kahit papaano ay napapanatili ang ganda at sigla ng tanawin. Katulad na lamang ng ilang mga "beach resorts" dito sa Pilipinas, halimbawa ay ang Boracay, Subic , Palawan at iba pa, ang siyang nakahiligang dayuhin o pasyalan ng mga turista dahil talaga namay kaaya-ayang tingnan at talagang maipagmamalaki ang ating karagatan. Iyon nga lang, iilan na lang sa mga ito ang naabuso at medyo napabayaan na. Huwag sana tayong maging negatibo sa ating mga ginagawa, gawing makulay at masayaang pag-aalaga at pagpapahalaga sa ating kalikasan.