Martes, Agosto 6, 2013
Hindi Pa Huli Ang Lahat - Mary Grace Gepitolan
Noon naisip ko, Ano ba talaga ng kalikasan? Bakit sinasabi ng ibang tao na, Kalikasan lang 'yan. Ginagamit lang. Hindi man lang nila naisip ang tunay na halaga nito sa atin. Oo, tama sila, kalikasanlang yan, ginagamit lang. Pero, hindinaman talaga tamang abusuhin ito. Napakaimportante nito sa atin. Paano na lang kung masira ito nang lubusan? Paano na lang tayo?Hindi ba nila naiisip ang mga sakunang gaya ng baha, landslide, pulosyon at iba pang mga pangyayari na dulot ng pang-aabuso nating mga tao sa kalikasan. Kaya kung ako sa inyo, huwag nating hintayin pang mangyari ito sa atin. Simulan na natin itong protektahan at pahalagahan. Habang may panahon pa tayo. Simulan na natin itong bigyang pansin. Hindi mamaya na, hindi bukas pa, kundi Ngayon na!!! habang hindi pa huli ang lahat.......
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento