Martes, Agosto 6, 2013
KALIKASAN - Merliezl Regis
Ang kalikasan ang siyang sentro ng ganda at tanawin sa ating kapaligiran. Ito ay gawa ng Dios na ibinibigay sa tao upang mapakinabangan, alagaan, at papahalagahan. Ngunit sa estado ng ating kalikasan ngayon, medyo napinsala na ang ilan sa mga ito. Isa rito ang pagkalbo ng ating kabundukan , pagkakaroon ng polusyon sa tubig at hangin , maging ang mga isda sa dagat ay medyo lumiliit ang bilang dahil sa paggamit ng mga ilegal na bagay sa paghuli ng isda. Maraming naidudulot na masama ang pagwasak ng atin kalikasan. Kasalukuyang nangyayari ay ang pagguho ng mga kabundukan pagkakaroon ng landslide, baha, at paddudulot ng ibat-ibang sakit sa mga tao dahil sa polusyon. Gayunpaman, hindi naman lahat ng lugar dito sa ating bansa o sa ating mundo ay wasak na ang kalikasan, meron din namang ibang parte ng mundo na kahit papaano ay napapanatili ang ganda at sigla ng tanawin. Katulad na lamang ng ilang mga "beach resorts" dito sa Pilipinas, halimbawa ay ang Boracay, Subic , Palawan at iba pa, ang siyang nakahiligang dayuhin o pasyalan ng mga turista dahil talaga namay kaaya-ayang tingnan at talagang maipagmamalaki ang ating karagatan. Iyon nga lang, iilan na lang sa mga ito ang naabuso at medyo napabayaan na. Huwag sana tayong maging negatibo sa ating mga ginagawa, gawing makulay at masayaang pag-aalaga at pagpapahalaga sa ating kalikasan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento