Martes, Agosto 6, 2013

Estado Ng Kalikasan - Roselyn G. Cebulleros

Estado ng kalikasan sa Pilipinas sa NgayonMailalarawan n'yo ba ang estado ng kalikasan natin ngayon? alam kong, negatibong pahayag na naman ang nasa isip ninyo ngayon dahil iyon naman talaga ang nakikita natin.Mariming nagbago dahil sa kawalan ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan kaya unti-unting nasisira ang animo'y paraisong tanawin. Ang malaberding dahon ng puno sa kagubata'y unti-unti ng naglaho.Ang karagatan ilog ,sapa, at ibang pang anyo ng tubig ay naging tambakan na ng basura.Ang iba'y ginagawang palikuran, paliguan, at labahan.Hindi lang iyan! Ang kalikasa'y, pinagkakakitaan na ng mga tao. Lalong-lalo na ang ating kagubatan. Ang mga Punong kahoy ay kanilang pinutol at ibinibenta.Ang iba nama'y sinasadyang talagang sirain upang gawing sakahan. Kaya ang mga hayop ay unti-unti na ring nawawala dahil ang kanilang tinitirhan ay nawawasak na sa kagagawan ng mga taong walang pakiramdam.Nagkaroon na rin ng matitinding baha, at landslide.Sa ngayon, hindi na tayo makakalanghap ng sariwng hangin, dahil sa polusyon na dulot ng mga sasakyan, factory, insectiside at iba pa.Gusto ninyo bang lumala ang kalagayan ng ating kalikasan?Hindi ba kayo gagawa ng aksyon upang masugpo ang mapagsamantala sa ating kalikasan? bukas? sa makalawa? NGAYON NA!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento