Martes, Agosto 6, 2013
Paano Aalagaan Ang Kalikasan? - Ezine
Paano Alagaan ang Kalikasan.Bilang Tao.Disiplina. Disiplina ang pangunahing susi upang mapangalagaan ang kalikasan. Ang pagkukusang iwasan ang mga alam nang nakakasama sa iba at makakasama sa lahat ay tunay na pagiging ganap na makatao.Bilang Miyembro ng Lipunan.Sundin ang mga batas na nangangalaga sa kalikasan.Maging aktibo sa pag-alam sa mga bagong impormasyon, tuklas, at batas na makakapangalaga sa kalikasan.I-segrate o ihiwalay ang mga nabubulok, di nabubulok at mga bagay na maaaring ibenta sa junk shop.Bawasan ang paggawa ng mga bagay na magdadagdag sa mga basura. Halimbawa, pagbawas sa paggamit ng mga disposable na bagay.Mag-recycle.Maging matipid sa paggamit ng kuryente. Kasama na rin ang pagtanggal sa pagkakasaksak ng mga kagamitang hindi ginagamit, o hindi naman kailangan.Kung hangga’t kaya ay iwasan ang paggamit ng mga de-krudong sasakyan sa transportasyon. Ang bibisikleta ay makakatulong din sa kalusugan.Bilang Estudyante.Maging aktibo sa mga programa ng Department of Education na nagtataguyod sa pangangalaga ng kalikasan:HikingWorld Earth Day ParadeTree PlantingProtect Eco Parkat marami pang iba.Maging aktibo sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa tamang:pagtatapon ng basurapangangalaga sa kalikasanat mga batas ukol sa pangangalaga sa likas na yaman.Itaas ang kamalayan ng kapwa-estudyante sa pangangalaga ng kalikasanBilang bunga ng edukasyon at iskolastika. Maging matagumpay sa pagpapairal ng kursong natapos. Ang kaalamang natutunan bunga ng edukasyon ay gamitin ng tama, at maging tulay upang mapaunlad ang kaalaman ng mga tao sa pangangalaga sa kalikasan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento